Hi,
Kung LCD TV ang unit mo, 3 ang dahilan kung kaya la kang picture.
1. Me pundido kang backlight - kapag me pundido kang backlight kusang pinapatay ng power supply ang inverter board para hindi ma-overload kaya la kang picture. Maaring mong i-check ang backlight, ang palatandaan na ito ay pundido ay kapag me itim sa magkabilang dulo.
2. Sira ang inverter board - ang inverter board ang nagbibigay ng high voltage sa backlight. Kapag sira ito, natural d gagana ang backlight. karamihang sira ng backlight ay ang high voltage transformer, driver transistor o kaya me open na fuse/fusible resistor.
3. Power supply- kapag la supply voltage sa inverter board, la ka rin picture. Mas maganda kung ito ang sira dahil mas madali makhanap ng pyesa dyan sa lugar mo di katulad ng 2 nauna.
Kung me kakilala kang technician dyan malapit sa lugar nyo, patingnan mo yong mga sinabi ko. Maari ring dahil sa loose connection kaya la ka picture o kaya bad solder joints.
Salamat kapatid sa pagboto 4 na hinlalaki.
Jdvillanueva
Las Pinas NCR.
369 views
Usually answered in minutes!
×